Pamamaraan at Lugar ng Applikasyon
Sa mga Anak ng Banyaga na Nais Pumasok sa Pampublikong Paaralan ng Elementarya at Junior High School sa Lungsod ng Kawasaki
Sa may mga anak na nais ipasok sa mga pampublikong paaralan ng elemtarya at junior high school sa Lungsod ng Kawasaki, maingat na sundin ang mga sumusunod ukol sa pagpapatala ng inyong mga anak.
Edad ng bata na maaaring pumasok sa Abril taong 2023
Elementarya…Mga Batang ipinanganak mula Abril 2, 2016 hanggang
Abril 1, 2017
Junior High School…Mga batang magtatapos ng elementarya sa Marso
Taong 2023
・Kahit walang visa ay maaari pa ring mag-apply.
Panahon ng Applikasyon
・ Maaari mong isumite ang form ng aplikasyon sa paaralan sa anumang oras. Subalit, kung ninanais na pumasok sa paaralang elementarya, may proseso para sa medikal na eksaminasyon pagkapasok sa paaralan, kung kaya’t mangyaring mag-apply sa lalong madaling panahon.
・ Pamamaraan ng Health Check-Up
Sa mga batang nais ipasok sa mga pampublikong paaralan ng elementarya, magkakaroon ng Health Check-Up sa pagitan ng Nobyembre 1 hanggang Disyembre 1 na gaganapin sa mga eskwelahan. (May nakatalagang araw at oras depende sa lugar ng inyong tirahan) Sa mga nais magpacheck-up maaaring tumawag sa mga numerong nakatala sa ibaba. Makakatanggap kayo ng sulat o abiso kung kailan at saan kayo maaring pumunta para sa check-up makalipas ang ilang araw pagkatapos tumawag.
Kagawaran ng Edukasyon TEL: 044-200-3293
Departamento ng Kalusugan FAX: 044-200-2853
Pamamaraan at Lugar ng Applikasyon
・ Mga kailangan sa pag-apply
1. Application Form...makakakuha nito sa mga Ward Offices, Branch Offices at sa mga paaralan ng elementarya at junior high school.
・ Isulat ang pangalan ayon sa nakasulat sa inyong resident record.
・Magdala ng papeles na magpapatunay ng inyong address at edad.
2. Sa mga nais pumasok sa Junior High School, magdala ng Expected Graduation Certificate.
・Hindi na kailangan mag-apply ang mga batang magtatapos ng elementarya sa Lungsod ng Kawasaki.
・ Lugar na Maaaring Puntahan o Tawagan para sa Applikasyon.
Kawasaki Ward Office Tel. 044-201-3141 FAX 044-201-3290
Daishi Branch Office Tel. 044-271-0138 FAX 044-271-0125
Tajima Branch Office Tel. 044-322-1969 FAX 044-322-1992
Saiwai Ward Office Tel. 044-556-6615 FAX 044-555-3149
Nakahara Ward Office Tel. 044-744-3172 FAX 044-744-3341
Takatsu Ward Office Tel. 044-861-3161 FAX 044-861-3169
Miyamae Ward Office Tel. 044-856-3141 FAX 044-856-3196
Tama Ward Office Tel. 044-935-3152 FAX 044-935-3392
Asao Ward Office Tel. 044-965-5121 FAX 044-965-5202