Representative Assembly para sa mga dayuhang residente sa siyudad ng Kawasaki
- 公開日:
- 更新日:

Sa pamamagitan ng pagtitipong ito, tinatalakay ng mga dayuhang residente ang pang araw-araw na mga bagay o pangyayari na nakakaapekto sa kanila sa loob ng komunidad na tinitirahan.

Ano ang ginagawa ng pagtitipong ito?
Ang pagtitipon ay isinasagawa ng 8–9 beses sa loob ng isang taon. Sa mga
pagtitipong ito, tinatalakay ng mga kalahok o partisipante ang iba’t-ibang pakay at mga paghamon na hinaharap ng mga dayuhang residente sa araw-araw na pamumuhay nila sa komunidad. Pagkatapos nito ay ipinapahayag nila ang nilalaman ng kanilang mga pag-uusap o diskusyon sa pamamagitan ng isang report na ibinibigay sa Alkalde kasabay ng kanilang mga mungkahi para sa mga bagay na nais gawan ng aksiyon.


Paano ba maging isang representative?
A Ang mga representatives ay pinipili upang maglingkod ng dalawang taon. Isinasagawa ng isang nominating committee ang pagpili mula sa karamihan ng mga aplikante at pagkatapos ay ipinagkakaloob ng Alkalde ng siyudad ang pormal na paghirang.
Gusto Mo Bang Makinig ng Pagpupulong?
―Maaring makinig at mag-obserba ang sinuman ng alinman sa pagpupulong. Malugod na inaanyayahan ang lahat upang dumalo.―

At iba pa:Kailangan din sumali sa fieldwork at iba pang mga pangyayari.

Pangmadlang Talakayan

International Festival in Kawasaki

Piyesta ng Mamamayan ng Kawasaki
karagdagang impormasyon Link to Newsletter

Para sa mga katanungan, sumangguni sa:
Opisina ng Karapatan at Pagkakapantay-pantay ng Kasarian, Kawanihan ng Kultura ng Mamamayan, Lungsod ng Kawasaki
Kawasaki Frontier Building 9th Floor, Ekimaehoncho 11-2, Kawasaki-ku Kawasaki City 210-0007
telepono: 044-200-2359 fax: 044-200-3914 E-mail: 25gaikok@city.kawasaki.jp
お問い合わせ先
川崎市市民文化局市民生活部多文化共生推進課
住所: 〒210-8577 川崎市川崎区宮本町1番地
電話: 044-200-2688
ファクス: 044-200-3707
メールアドレス: 25tabunka@city.kawasaki.jp
コンテンツ番号37825
